TTMIK antas 1 aralin 5

From Korean Wiki Project
Revision as of 09:35, 8 December 2010 by Megumitch (Talk | contribs)

(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to: navigation, search

Pagkatapos pagaralan ang aralin na ito magagawa mo ng sabihin ang mga bagay na tulad ng "A ay B (pangngalan)." o "Ako si ABC (pangngalan)" sa magalang/pormal na wikang Koreano.

이에요 / 예요 [i-e-yo / ye-yo]

Ang 이에요 and 예요 ay katulad ng “to be (ay)” sa wikang Ingles . Ang pangunahing pagkakaiba lamang ay ang istraktura ng pangungusap kung saan sila ginagamit.

Istraktura ng pangungusap sa wikang Ingles:

ABC + [be] + DEF.

      • Ang pangngalan dito ay DEF.

Halimbawa:

ABC is DEF. (Si ABC ay DEF ) I am ABC. (Ako ay ABC) You are XYZ. (Ikaw ay XYZ)

Istraktura ng pangungusap sa wikang Koreano:

ABC + DEF + [be]

    • Ang pangngalan dito ay DEF.

Halimbawa:

이거 ABC예요. [i-geo ABC-ye-yo] = This is ABC. (Ito ay ABC)

Sa wikang Ingles, ang pandiwa na "to be" ay maaring maging "am" "are" o "is" depende sa simuno ng pangungusap,ngunit sa wikang Koreano,ikaw ang magpapasya kung ang gagamitin mo ay 이에요 [i-e-yo] o 예요 [ye-yo] depende kung ang salitang sinundan nito ay nagtatapos sa katinig o patinig. Ang 이에요 and 예요 ay sobrang magkapareho maging sa tunog,kung kaya hindi problema kung mapagpalit mo man ang dalawang ito, pero mas mabuti ng malaman mo ang tamang ayos nito.

Ang 이에요 ay idinadagdag pagkatapos ng salitang nagtatapos sa katinig at ang 예요 naman ay idinadagdag pagkatapos ng salitang nagtatapos sa patinig.Ito ay para maging madali ang pag-bigkas sa pinagdugtong na bahagi.

Katinig + 이에요 [i-e-yo] Patinig + 예요 [ye-yo]

Mga halimbawang pangungusap:

물이에요. = 물 + 이에요 [mul + i-e-yo] (Ito ay) tubig.

가방이에요. = 가방 + 이에요 [ga-bang + i-e-yo] (Ito ay) bag.

사무실이에요. = 사무실 + 이에요 [sa-mu-sil + i-e-yo] (Ito ay) opisina.

학교예요. = 학교 + 예요 [hak-gyo + ye-yo] (Ito ay) paaralan.

저예요. = 저 + 예요 [ jeo + ye-yo] Ako ito.

Gaya ng makikita sa mga halimbawa na nasa itaas, sa wikang Koreano, hindi mo kinakailangan gumamit ng mga pantukoy na tulad ng "a/an" o "the" na gaya ng sa wikang Ingles.

Maari mo rin itong gawin na isang tanong sa pamamagitan ng pagtataas ng tono sa hulihan ng pangungusap.

물이에요. [mul-i-e-yo] = Ito ay tubig. 물이에요? [mul-i-e-yo?] =Iyon ba ay tubig? Ito ba ay tubig?

학교예요. [hak-gyo-ye-yo] = Ito ay paaralan. 학교예요? [hak-yo-ye-yo] = Ito ba ay paaralan? Ikaw ba ay nasa paaralan ngayon?

뭐 [mwo] = Ano 뭐예요? [mwo-ye-yo?] = Ano ito? Ano iyon?