Difference between revisions of "TTMIK antas 1 aralin 2"

From Korean Wiki Project
Jump to: navigation, search
Line 1: Line 1:

Pagkatapos makinig sa araling ito, kapag tinanong ka ng isang tanong na sumasagot sa OO/HINDI, magagawa mo nang makasagot sa tanong na iyon ng OO o HINDI sa wikang Koreano.

'''네 / 아니요'''

'''네 / 아니요'''

Sa Korean, ang “Oo” ay 네 [ne] at ang “Hindi” ay 아니요 [aniyo] sa 존댓말 [jondaetmal] o magalang/pormal na salita.

Sa wikang Koreano, ang “Oo” ay 네 [ne] at ang “Hindi” ay 아니요 [aniyo] sa 존댓말 [jondaetmal] o magalang/pormal na salita.

'''네. [ne] = Oo.'''

'''네. [ne] = Oo.'''

'''아니요. [aniyo] = Hindi.'''

'''아니요. [aniyo] = Hindi.'''

Pero sa Korean, kung “네” ang sasabihin mo, hindi siya pareho sa pagsasabi mo ng "Oo" sa Tagalog. Ganoon rin sa "아니오." Ito ay dahil sa ang Korean na "네" ay nagpapahayag ng '''pagsasang-ayon''' sa kausap mo. At ang "아니오" ay nagpapahayag ng '''di pagsasang-ayon''' o '''pagtatanggi''' sa kausap mo.

Pero sa wikang Koreano, kung “네” ang sasabihin mo, hindi siya pareho sa pagsasabi mo ng "Oo" sa Tagalog. Ganoon rin sa "아니요." Ito ay dahil sa ang Koreanong "네" ay nagpapahayag ng '''pagsasang-ayon''' sa kausap mo. At ang "아니요" ay nagpapahayag ng '''di pagsasang-ayon''' o '''pagtatanggi''' sa kausap mo.

'''Halimbawa''',

'''Halimbawa''',

May nagtanong sa iyo ng "Ayaw mo ba ng kape?" (커피 안 좋아해요? [keo-pi an jo-a-hae-yo?] sa Korean) at kung ang sagot mo ay "Ayaw ko ng kape.” kailangan mong sabihin “네.”

May nagtanong sa iyo ng "Ayaw mo ba ng kape?" (커피 안 좋아해요? [keo-pi an jo-a-hae-yo?] sa wikang Koreano) at kung ang sagot mo ay "Ayaw ko ng kape.” kailangan mong sabihin “네.”

'''Kakaiba ba?'''

'''Kakaiba ba?'''

Line 15: Line 15:

아니요. [aniyo] = Mali ka. / Di ako sumasang-ayon. / Ang sinabi mo ay mali.

Kaya, kapag magtatanong ka ng "Ayaw mo ba ng kape?" sa Korean, at ang magsasagot ay ayaw niya ng kape, sasabihin niya ay "Ayaw." sa Tagalog pero "네" sa Korean. At kung GUSTO naman niya ng kape, sasabihin niya "Gusto" pero “아니요” sa Korean.

Kaya, kapag magtatanong ka ng "Ayaw mo ba ng kape?" sa wikang Koreano, at ang magsasagot ay ayaw niya ng kape, sasabihin niya ay "Ayaw." sa Tagalog pero "네" sa wikang Koreano. At kung GUSTO naman niya ng kape, sasabihin niya "Gusto" pero “아니요” sa wikang Koreano.

Line 28: Line 28:

네. 안 좋아해요. [ne. an jo-a-hae-yo] = Ayoko (ng kape).

Di mo kailangang mag-alala sa ibang parte ng mga halimbawang pangungusap sa itaas. Alalahanin mo lang na ang Korean system sa pagsabi ng OO at HINDI ay magkaiba sa Tagalog system.

Di mo kailangang mag-alala sa ibang parte ng mga halimbawang pangungusap sa itaas. Alalahanin mo lang na ang sistema sa wikang Koreano sa pagsabi ng OO at HINDI ay magkaiba sa sistema sa Tagalog.

Ang 네 ay may ibang kahulugan pa bukod sa OO o TAMA KA.

Habang ang 네[ne] ay ginagamit sa pagpapahayag ng "Oo" o "Tama ka", ito rin ay ginagamit bilang pangpuno sa pag-uusap. Kung nakikinig ka sa dalawang Koreanong nag-uusap sa isa't isa, maririnig mo sila magsabi madalas ng 네, kahit di naman nila intensyon na magsabi ng "Oo".

Habang ang 네[ne] ay ginagamit sa pagpapahayag ng "Oo" o "Tama ka", ito rin ay ginagamit bilang pangpuno sa isang pag-uusap. Kung nakikinig ka sa dalawang Koreanong nag-uusap sa isa't isa, maririnig mo sila magsabi madalas ng 네, kahit di naman nila intensyon na magsabi ng "Oo".

Kaya dalawang tao ay pwede mag-usap ng ganito. Kunwari, lahat ay nasa Korean.

Halimbawa, dalawang tao ay pwede mag-usap ng ganito. Kunwari, lahat ay nasa wikang Koreano.

A: Alam mo, nabili ko lang 'tong librong 'to kahapon,

Line 47: Line 47:

A: 100 dolyar!

A: 100 dolyar!

B: 네? [ne?]

B: 네? [ne?]

A: Kaya binayad ko ng credit card ko.

A: Kaya binayad ko na lang ng credit card ko.

B: 네...

B: 네...

A: Pero gustung-gusto ko pa rin siya kasi libro 'to ni Kyeong-eun Choi, isa sa mga guro sa TalkToMeInKorean.com

Revision as of 02:14, 29 November 2010

Pagkatapos makinig sa araling ito, kapag tinanong ka ng isang tanong na sumasagot sa OO/HINDI, magagawa mo nang makasagot sa tanong na iyon ng OO o HINDI sa wikang Koreano.

네 / 아니요

Sa wikang Koreano, ang “Oo” ay 네 [ne] at ang “Hindi” ay 아니요 [aniyo] sa 존댓말 [jondaetmal] o magalang/pormal na salita.

네. [ne] = Oo.
아니요. [aniyo] = Hindi.

Pero sa wikang Koreano, kung “네” ang sasabihin mo, hindi siya pareho sa pagsasabi mo ng "Oo" sa Tagalog. Ganoon rin sa "아니요." Ito ay dahil sa ang Koreanong "" ay nagpapahayag ng pagsasang-ayon sa kausap mo. At ang "아니요" ay nagpapahayag ng di pagsasang-ayon o pagtatanggi sa kausap mo.

Halimbawa,
May nagtanong sa iyo ng "Ayaw mo ba ng kape?" (커피 안 좋아해요? [keo-pi an jo-a-hae-yo?] sa wikang Koreano) at kung ang sagot mo ay "Ayaw ko ng kape.” kailangan mong sabihin “네.”

Kakaiba ba?
Kaya mas tama kong gagawin nating ganito.

네. [ne] = Tama ka. / Sumasang-ayon ako. / Pwede 'yan a. / Ang sinabi mo ay tama.
아니요. [aniyo] = Mali ka. / Di ako sumasang-ayon. / Ang sinabi mo ay mali.

Kaya, kapag magtatanong ka ng "Ayaw mo ba ng kape?" sa wikang Koreano, at ang magsasagot ay ayaw niya ng kape, sasabihin niya ay "Ayaw." sa Tagalog pero "네" sa wikang Koreano. At kung GUSTO naman niya ng kape, sasabihin niya "Gusto" pero “아니요” sa wikang Koreano.

커피 좋아해요? [keo-pi jo-a-hae-yo?] = Gusto mo ng kape?
네. 좋아해요. [ne. jo-a-hae-yo] = Oo, gusto ko ng kape.

커피 좋아해요? [keo-pi jo-a-hae-yo?] = Gusto mo ng kape?
아니요. 안 좋아해요. [aniyo. an jo-a-hae-yo] = Ayoko (ng kape).

커피 안 좋아해요? [keo-pi an jo-a-hae-yo?] = Ayaw mo ng kape?
아니요. 좋아해요. [aniyo. jo-a-hae-yo] = Gusto ko (ng kape).

커피 안 좋아해요? [keo-pi an jo-a-hae-yo?] = Ayaw mo ng kape?
네. 안 좋아해요. [ne. an jo-a-hae-yo] = Ayoko (ng kape).

Di mo kailangang mag-alala sa ibang parte ng mga halimbawang pangungusap sa itaas. Alalahanin mo lang na ang sistema sa wikang Koreano sa pagsabi ng OO at HINDI ay magkaiba sa sistema sa Tagalog.

Ang 네 ay may ibang kahulugan pa bukod sa OO o TAMA KA.

Habang ang 네[ne] ay ginagamit sa pagpapahayag ng "Oo" o "Tama ka", ito rin ay ginagamit bilang pangpuno sa isang pag-uusap. Kung nakikinig ka sa dalawang Koreanong nag-uusap sa isa't isa, maririnig mo sila magsabi madalas ng 네, kahit di naman nila intensyon na magsabi ng "Oo".

Halimbawa, dalawang tao ay pwede mag-usap ng ganito. Kunwari, lahat ay nasa wikang Koreano.

A: Alam mo, nabili ko lang 'tong librong 'to kahapon,
B: 네. [ne]
A: at gustong gusto ko siya.
B: 네.
A: Pero medyo mahal siya.
B: 네.
A: Alam mo ba kung magkano 'to?
B: Magkano?
A: 100 dolyar!
B: 네? [ne?]
A: Kaya binayad ko na lang ng credit card ko.
B: 네...
A: Pero gustung-gusto ko pa rin siya kasi libro 'to ni Kyeong-eun Choi, isa sa mga guro sa TalkToMeInKorean.com
B: 네...

Kaya, katulad ng nakikita niyong dayalogo sa itaas, ang 네 [ne] ay isang multi-player. Pwede siya maging:

Oo. /Tama ka.

pero pwede ring

Ah~. / Nandito ako! (kung may tumawag sa'yo) / Ah-ha. / etc...