TTMIK antas 1 aralin 1

From Korean Wiki Project
Revision as of 06:33, 27 November 2010 by Maekyla (Talk | contribs)

(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to: navigation, search

안녕하세요. = Hello. / Hi. / Kamusta ka? / Magandang hapon. / Magandang gabi. / etc...

안녕 + 하세요 = 안녕하세요.
[an-nyeong][ha-se-yo]

안녕 = pagiging mabuti, kapayapaan, kaigihan ng katawan
하세요 = ginagawa mo, ginagawa mo?, pakigawa

Ang 안녕하세요 ay ang pinaka-pangkaraniwan na bati sa Korean, at ang 안녕하세요 ay nasa 존댓말 [jondaetmal] o magalang/pormal na salita. Kung mayroong taong binati ka ng 안녕하세요, pwede mo rin siyang batian ng 안녕하세요.

Halimbawang Pag-uusap
A: 안녕하세요. [annyeong-haseyo] = Hello.
B: 안녕하세요. [annyeong-haseyo] = Hi.

감사합니다 = Salamat
감사 + 합니다 = 감사합니다.
[gam-sa][hap-ni-da]

감사 = paghahalaga, pagsasalamat, utang na loob
합니다 = ginagawa ko, ginagawa ko ngayon

Ang 감사합니다 ay ang pinaka-pangkaraniwan na pormal na paraan sa pagsabi ng "Salamat." Ibig sabihin ng 감사 ay "pagsasalamat" at ibig sabihin ng 합니다 ay "ginagawa ko," "ginagawa ko ngayon" sa 존댓말 o magalang/pormal na salita, kaya pag ipinagsama, ibig sabihin nito ay "Salamat." Pwede mo sabihin itong bating 감사합니다 kung gusto mo magsabi ng "Salamat." sa Tagalog.