TTMIK antas 1 aralin 3
ANTAS1 ARALIN 3
Pagkatapos makinig sa araling ito, magagawa mo nang magpaalam sa wikang Koreano. Naaalala mo pa ba kung paano sabihin ang “Kumusta.” sa wikang Koreano? 안녕하세요. [an-nyeong-ha-se-yo] Nung naaalala mo pa ang 안녕하세요, mahusay. At kung naaalala mo pa na ang “안녕” sa 안녕하세요 ay nangangahulugang “kapayapaan” at “kagalingan”, mas mahusay. 안녕 [an-nyeong] = kagalingan, kapayapaan, kalusugan At sa wikang Koreano, kapag sasabihin mo ang salitang “Paalam” sa pormal o magalang na wika, 존댓말 [jondaetmal], mayroong dalawang uri ng ekspresyon, at ang parehong ekspresyon na ito ay naglalaman ng salitang 안녕 [an-nyeong]. Ang isa ay kung ikaw ang aalis At ang isa naman ay kung ikaw ang maiiwan. Kung ikaw ang aalis, at ang kausap (o mga kausap) mo ang maiiwan, maaari mong sabihing: 안녕히 계세요. [an-nyeong-hi gye-se-yo] Kung ikaw ang maiiwan, at ang kausap (o mga kausap) mo ang aalis, maaari mong sabihing: 안녕히 가세요. [an-nyeong-hi ga-se-yo] Sa ngayon, huwag mo munang isipin ang literal na kahulugan ng mga ekspresyon na ito, basta tandaan mo na lang. Pero kung talagang gusto mong malaman at talagang isasalin natin ang mga pagbating ito, ganito ang salin: 안녕히 계세요. = Manatili nang payapa. 안녕히 가세요. = Umalis nang payapa. Ngunit, huwag mo MUNANG alalahanin ang literal na kahulugan ng mga pagbating ito!
- Isang tip mula kay Hyunwoo para sa iyo:
Kapag sinasabi ng mga Koreano ang 안녕하세요 [an-nyeong-ha-se-yo], 안녕히 계세요 [an-nyeong-hi gye-se-yo] or 안녕히 가세요 [an-nyeong-hi ga-se-yo], hindi nila binibigkas nang malinaw ang BAWAT salita. Madalas, ang dulong bahagi lang ang maririnig mo, “세요” [se-yo]. Magtutunog kang matatas kung ang bibigkasin mo lang ay 세요 [se-yo] para sa lahat ng nasabing ekspresyon.