TTMIK antas 1 aralin 6

From Korean Wiki Project
Revision as of 13:26, 8 December 2010 by Megumitch (Talk | contribs)

(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to: navigation, search

Pagkatapos ng pag-aaral na ito, magagawa ninyo ng sabihin ang "Ito ay ABC." at mai-tanong ang "Ito ba ay ABC?" at "Ano ito?" sa magalang/pormal na paraan ng pagsasalita ng wikang Koreano.


이에요 / 예요 [i-e-yo / ye-yo]


Sa nakaraang aralin, natutunan ninyo kung paano inilalagay ang 이에요 [i-e-yo] at 예요 [ye-yo] pagkatapos ng pangngalan upang sabihin na "Ito ay ABC" o "Ako ay DEF."


Pagbabalik-aral/Halimbawa


책 [chaek] + 이에요 [i-e-yo] = 책이에요. [chaek-i-e-yo] Ito ay aklat.

저 [ jeo] + 예요 [ye-yo] = 저예요. [ jeo-ye-yo] Ako ito.


  • Ang 이에요 at 예요 ay katulad ng “to be” (ay) sa wikang Ingles.


Katinig + 이에요 [i-e-yo]

Patinig + 예요 [ye-yo]


이거 [i-geo] = Ito, ang isang ito


이 [i] (“ito”) + 것 [geot] (“bagay”) = 이것 [i-geot] --> 이거 [i-geo]


Ang 이거 [i-geo] ay orihinal na 이것 [i-geot] at ito ay kombinasyon ng 이 [i] (“ito”) at 것 [geot] (“bagay”) ngunit kadalasan ginagamit lamang na 이거 [i-geo] upang maging madali ang pagbigkas.


Mga Halimbawa


이거 책이에요. [i-geo chaek-i-e-yo] = Ito ay aklat.

이거 카메라예요. [i-geo ka-me-ra-ye-yo] = Ito ay kamera.


이거 커피예요. [i-geo keo-pi-ye-yo] = Ito ay kape.

이거 사전이에요. [i-geo sa-jeon-i-e-yo] = Ito ay diksiyonaryo.


Sa Antas 1 Aralin 5, ipinakilala namin ang tanong na, 뭐예요? [mwo-ye-yo?] na ang ibig sabihin ay “Ano ito?”. Pwede mo idagdag sa unahan nito ang 이거 [i-geo] upang itanong ang “Ano ito?”.


이거 뭐예요? [i-geo mwo-ye-yo?] = Ano ito?

이거 핸드폰이에요. [i-geo haen-deu-pon-i-e-yo] = Ito ay handphone.


이거 뭐예요? [i-geo mwo-ye-yo?] = Ano ito?

이거 물이에요. [i-geo mul-i-e-yo] = Ito ay tubig.


이거 뭐예요? [i-geo mwo-ye-yo?]= Ano ito?

이거 커피예요. [i-geo keo-pi-ye-yo]= Ito ay kape.


Naaalala niyo pa kung paano sabihin ang “Hindi” ?


이거 커피예요? [i-geo keo-pi-ye-yo?]= Ito ba ay kape? / Kape ba ito?

아니요. 이거 물이에요. [a-ni-yo. i-geo mul-i-e-yo] = Hindi.Ito ay tubig. / Hindi.Tubig ito.


Naaalala niyo pa kung paano sabihin ang “Oo,tama 'yan.”/ “Oo,tama.” ?


이거 커피예요? [i-geo keo-pi-ye-yo?] = Ito ba ay kape? / Kape ba ito?

네. 맞아요. 이거 커피예요. [ne. ma-ja-yo. i-geo keo-pi-ye-yo] = Oo,tama. Ito ay kape.