Hangeul step 1/tl

From Korean Wiki Project
Revision as of 10:20, 21 December 2010 by Gin blossoms (Talk | contribs)

Jump to: navigation, search
Help · Cheat Sheet · Community portal

Register/Login

Panimula

Hyunwoo and Mikyung - Steps 2, 3
Seokjin and Kyoung-eun: Steps 4, 5, 6
http://www.talktomeinkorean.com

Mabuhay. Kumpara sa Hapones at Tsino, ang basic ng Korean script ay maaring matutuhan sa loob lamang ng ilang oras. Ang tanging paraan upang mabigkas ng mahusay ang wikang Korean ay sa paggamit ng Korean script o Hangeul (한글). Ang Korean ay may ilang tunog na walang katumbas sa wikang Inggles kaya ang paggamit ng romanization ay hindi magandang ideya . Sa mga sumusunod na pahina, kami ay naglatag ng aralin na binubuo ng 6 na hakbang at gumamit ng iba't-ibang pamamaraan upang tulungan ang magaaral na matuto ng Korean script sa mabilis at epektibong paraan. Ang proyektong ito ay sa pagitan ng pagtutulungan ng Korean Wiki Project at TalktomeinKorean.com. Kami ay naghahanap ng bo-boses para sa pagbigkas ng tunog ng Hanguel at sila'y nag-laan ng kanilang pahanon sa kabila ng kanilang kakapusan sa oras upang maisakatuparan ang proyektong ito. Kami ay nagpapasalamat sa kanilang pagpupunyagi at pagsuporta.

Magkakaroon din ng ika-pitong hakbang sa hinaharap para sa pagbigkas ng matatas.

Bakit matuto ng alpabetong Korean?

Marami ang nagiisip na sapat nang malaman ang Romanized Korean. Hindi nila naiisip na ito ay nagiging hadlang upang sila'y maging mas mahusay sa wikang Korean. Ang mga sumusunod ang dahilan kung bakit ang Korean Romanization ay hindi kanais-nais.

  • Ang mga tunog ng Ingles at Korean ay hindi magkapareho May saysay ba na magaral ng Inggles gamit ang alpabetong Korean? Lalu na't kung walang F, V at Z na tunog sa Korean? Hindi lahat ng tunog sa wikang Inggles ay mayroon ang wikang Korean at hindi lahat ng tunog sa wikang Korean ay mayroon ang wikang Inggles. Kaya ang Inggles ay hindi kayang ipakita ang sakto at katumbas na tunog sa Korean. Kung nais nating matuto ng Inggles, marapat nating pag-aralan ang alpabetong Inggles at ang mga tunog nito. Kapareho rin sa pagaaral ng Korean, dapat pag-aralan ang alpabetong Korean at ang mga tunog nito.
  • Ang Korean Romanization ay nakakalito at hindi malinaw.
    • Kung walang karanasan sa Korean at ang gamit lamang ay libro na may travel phrases na gamit ang Romanized Korean, maaaring magkamali sa pagbigkas dito. Halimbawa, paano bibigkasin ang salitang Romanized na 'neon'? 'Niyon' ba o 'nun'? Ang pagbigkas ay kahalintulad sa 'nun' ngunit paano natin malalaman kung ito ay katulad sa salitang Inggles na 'neon'?
    • Maraming uri ng Romanization at minsan, mahirap tukuyin kung anong uri ang ginagamit. Halimbawa na lang ang pangalan ng gold medal olympic skater na si "Kim Yuna" (김연아), ay hindi naka-romanize sa tradisyunal na pamamaraan, at sa halip ay kahalintulad sa pagbabaybay sa Inggles. Kung ipagpapalagay na Revised Romanization System ang ginamit, ito ay parang Yoona at hindi Yuna dahil ang yu ay ㅠ at hindi ㅕ.
    • Walang tunog na Woo at Yi at imposible itong isulat sa Korean, ngunit kung minsan ang tunog ng ㅜ ay binabaybay na Woo at ang 이 ay binabaybay na Yi.

Para sa iba pang kadahilanan, tignan ang: Romanization#Problems.

Maigsing Kasaysayan

Tignan ang buong artikulo sa Ang pinagmulan ng Hangeul

King Sejong
A page from the Hunmin Jeong-eum Eonha

Ang Hangeul at ipinakilala sa ilalim ng dakilang Sejong at natapos ng humigit kumulang sa taong 1444. Kahit sa mga panahong iyon, ang gamit sa pagsusulat ay Chinese characters kaya ang pagsusulat at pagbabasa ay limitado lamang sa mga maharlika at elitistang nasa gobyerno. Nais ni haring Sejong na magkaroon ang Korea ng sariling alpabeto na madaling matututunan ng lahat -- kahit ng nga mga karaniwang tao. Pagkatapos itong magawa, sinasabing ang Hangeul ay madaling matutunan kaya ang isang pantas ay maaaring tapusin ang pagsasaulo ng umaga at ang hangal naman ay matatapos ng pagsasaulo ng gabi. Sa ganitong kadahilanan, nagkaroon ng panahon na kung saan ang mga aristokratang Korean ay tumutol sa Hangeul sa paniniwalang ang mga matataas lamang sa lipunan ang dapat magkaroon ng ganitong pribilehiyo.

Simula ng ipinakilala ang Hangeul, ito ay nagdaan sa ibayong pagbabago. Ang Hangeul ay sumailalim sa madaming pagbabago sa panahon ng pananakop ng Hapon sa taong 1900, tulad ng pagtanggal sa mga sinaunang titik at pagbago sa mga pamamaraan.

Ang Hangeul ay madaling matutunan para sa karamihan dahil ang karamihan sa mga alpabetong magkahugis ay magkatunog din, na nagpapadali upang makita ang pagkakaugnay at pagsasaulo nito.

Basics

Mga katinig

May 14 na pangunahing katinig sa Korean at 5 dobleng katinig na binuo mula sa pangunahing katinig na ㄱ, ㄷ, ㅂ, ㅅ, at ㅈ.

Pangunahing katinig Basic consonants.png
Dobleng katinig Double consonants.png

Mga Patinig

May 8 pangunahing patinig kasama ang 13 iba pang complex na patinig. Ang complex na patinig na ito ay tinatawag na dipthongs na binubuo ng hindi hihigit sa dalawang patinig. Na kung saan ang higit sa isang patinig ay karaniwang binibigkas sa hiwalay na pantig, kada patinig na binubuo ng dipthong ay binibigkas sa isang pantig. Ating makikita na karamihan sa mga dipthongs ay kombinsayon ng 2 pangunahing patinig.

Lahat ng mga pangunahing patinig ay isinusulat sa pamamagitan ng 3 uri ng stroke. Ang unang stroke na sumisimbolo sa langit ay isang tuldok (•), ngunit sa modernong Korean, ang tuldok ay simple at maigsing stroke. Ang sumunod na stroke na sumisimbolo sa lupa ay ang guhit na pahalang (ㅡ). Ang huling stroke ay sumisimbolo sa tao (ㅣ). Ang mga simbolong ito ang pinagsasama upang makabuo ng patinig. Halimbawa, | at • ay makakabuo ng ㅏ.

Pangunahing patinig Basic vowels.png
Complex na patinig Complex vowels.png

Syllable Blocks

Ang Korean ay isinusulat mula kaliwa - papuntang kanan at ang kada pantig ay isinusulat sa hugis na bloke. Kada letra sa loob ng bloke ay bumubuo ng tunog. Ang Korean para sa 'tao' ay 사람, saram sa romanization, at binubuo ng dalawang pantig. Ang letrang ㅅ + ㅏ ang bumubuo sa pantig na 사 ('sa'), at ang ㄹ + ㅏ + ㅁ naman ang bumubuo sa sumunod na pantig na 람 ('ram'). Ang larawan sa ibaba ang magpapakita ng katumbas na tunog ng salita sa Korean. Ating pansinin na sa pagsusulat ng Korean, hindi ipinapaloob ang mga pantig sa kahon. Ito'y upang ipakita lamang ang hugis ng pantig.

사람.png

Ang pagpapantig sa Korean ay nakaayos sa bloke ng mga letrang nagsisimula sa katinig, gitnang patinig, at minsan huling katinig. Ang isang bloke ng syllable ay binubuo ng hindi kukulang sa 2 titik, na maaaring buuin ng isang katinig at isang patinig. Sa ating araling, ang ika-2 habang hanggang ika-4 na hakbang ay tutuon sa mga salitang binubuo ng isang katinig at isang patinig at mga salitang may isang katinig at isang pahabang patinig(tignan ang ibaba). Ang ika-5 hakbang ang magpapakilala sa konseptong huling katinig at ang ika-6 na hakbang para sa pantig na may dalawang patinig.

Syllable blocks1.png

Pansinin na kapag patinig lamang ang isusulat, kailangan itong isulat na kasama ang katinig na ㅇ, na nagsisilbing silent placeholder para sa puwesto ng katinig. Bakit? Isipin na lamang ang konsepto ng ying yang. Kung isusulat ang patinig na ㅏ, kailangang isulat ito na 아 na kung saan ang ㅇ ang nagsisibling silent placeholder para sa puwesto ng katinig. Isang madaling paraan upang mataandaan ito ay isping ang o na zero. Mga halimbawa sa ibaba:

Orihinal na patinig Isinulat na mag-isa

Pagsusulat

Tulad ng nabanggit, ang pagsusulat sa Korean ay mula sa kaliwa pakanan at sa pormang bloke. Sa susunod na bahagi, ating matutuhan kung paano isulat ang mga titik at ang tamang pagkakasunod ng pagguhit. Habang ang pagkakasunod ng pagguhit ay hindi mahalaga sa simula, ito ay mahalaga sa pagsusulat ng Korean at makakatulong upang maintindihan ng iba ay iyong sulat kamay. Ang hugis at laki ng mga titik ay maaaring banatin o pagsiksikin upang mapunan ang block space at upang iparehas ang sukat nito sa iba pang patnig. Sa sumusunod na halimbawa, makikita kung papaano ang sukat at laki the titik na ㄱ ay nagbabago upang mapunan ang syllable block (kulay sky blue).

Sentence block example.png


Atin nang sisimulang pagaralan ang ilan sa mga titik na kung tawagi'y jamo. Paalala lamang, upang makita ang aralin na ito sa kabuuan, kailangang may nakainstall na Adobe Flash Player. Ito ang magpapagana sa mga audio na kasama sa mga sumusunod na pahina. Ganun pa man, hindi kailangang mag-alala sapagkat malamang ay nakainstall na ito sa iyong kompyuter.

Next.png