TTMIK antas 1 aralin 10

From Korean Wiki Project
Jump to: navigation, search


Sa araling ito, ating pagtutuunan ng pansin ang mga katagang


“있어요” [i-sseo-yo] at ”없어요” [eop-sseo-yo]


Ang mga katagang ito ay ginagamit upang sabihin ang isang tao'y mayroon o wala ng isang bagay.


Ang 있어요 [i-sseo-yo] ay nagmula sa 있다 [it-da], na ang ibig sabihin ay mayroon.
Ang 없어요 [eop-sseo-yo] ang kabaligtaran, na nagmula sa pandiwang 없다 [eop-da]. Bagamat may paraan


upang ipahayag na wala ng isang bagay gamit ang katagang 있어요, maari itong ipahayag sa pamamagitan ng
pandiwang 없어요. Mas madaling gamitin ang 없어요 sa halip na sabihing 있지 않아요 o kaya nama'y 안 있어요 (pagaaralan
natin ang mga ito sa susunod na mga aralin).



So, in conclusion


있어요 <--> 없어요
[i-sseo-yo] [eop-sseo-yo]


Tignan natin ang mga halimbawa!


있어요 [i-sseo-yo]


Sa ating mga halimbawa, gamitin nating ang mga sumusunod na salita:
물 [mul] = tubig / 친구 [chin-gu] = kaibigan / 시간 [si-gan] = oras
Isama lamang ang 있어요 sa hulihan ng pangngalan na tinutukoy.


1. 물 있어요. [mul i-sseo-yo] = Mayroong tubig. / Mayroon akong tubig. / Mayroon silang tubig.


2. 물 있어요? [mul i-sseo-yo?] = Mayroon bang tubig? / Mayroon kang tubig? / Mayroon ba silang tubig?


3. 친구 있어요. [chin-gu i-sseo-yo] = Mayroon akong mga kaibigan . / Mayroon akong kaibigan. / Mayroong mga kaibigan.


4. 친구 있어요? [chin-gu i-sseo-yo?] = May kaibigan ka ba? / May kaibigan ba sila?


5. 시간 있어요. [si-gan i-sseo-yo] = May oras. / May oras ako. / May oras sila.


6. 시간 있어요? [si-gan i-sseo-yo?] = May oras ba? / May oras ka ba? / May oras ba sila?


At kapag pinalitan ang 있어요 [i-sseo-yo] ng 없어요 [eops-eo-yo] ang ibig sabihing ng mga naunang halimbawa ay mababaligtad.



없어요 [eop-sseo-yo]



1. 시간 없어요. [si-gan eop-sseo-yo] = Walang oras. / Wala akong oras. / Wala kaming oras.


2. 친구 없어요. [chin-gu eop-sseo-yo] = Wala akong kaibigan.



-------------------------------------------- Pagbabalik Aral ---------------------------------------------


Naaalala mo pa ba ang paggamit sa topic marking particles na 은/는 [eun/neun] at subject marking particles na 이/가 [i/ga]?


Ang 은 at 는 ay tumutukoy sa paksa ng pangungusap at siya ring nagbibigay diin sa paksa ng pangungusap sa pangkalahatan.


Kaya kapag sinabi mong 시간 없어요 [si-gan eops-eo-yo] ibig sabihin ay "Wala akong oras". At kung nais mong sabihin na,


"Meron akong ibang bagay (na gagawin) ngunit oras ang wala" lagyan lamang ng 은 [eun] o 는 [neun] ang hulihan ng 시간 [si-


gan] (sa halimbawang ito, ang 시간 ay nagtatapos sa katinig kaya 은 ang ginamit), at magiging 시간은 없어요.


At kung tinanong ka naman ng "Ano iyong wala ka?" o "Anu iyong sinasabi mong wala ka", "Oras, oras ang wala ako" maaari


itong ipahayag sa pamamagitan ng 시간은 없어요.


----------------------------------------------------------------------------------------------------------


Ang 있어요 at 없어요 ay maaring gamitin upang bumuo ng mga katagang madalas gamitin sa wikang Korean.


재미 [jae-mi] = (ma)saya


재미 + 있어요 = 재미있어요 may literal na kahulugang "mayroong saya" na ibig sabihi'y "kawili-wili"



**Mapapansin na ang dalawang salita ay pinagsama sa kadahilanang naging bahagi na ito ng pang-araw-araw na buhay.


Halimbawa)


TTMIK 재미있어요! [jae-mi-i-sseo-yo] = Puno ng saya ang TTMIK! / Kawili-wili ang TTMIK!




TTMIK.png
This PDF is to be used along with the MP3 audio lesson available at TalkToMeInKorean.com. Please feel free to share TalkToMeInKorean’s free Korean lessons and PDF files with anybody who is studying Korean. If you have any questions or feedback, visit TalkToMeInKorean.com. This PDF translation project is a joint project between TalkToMeInKorean.com and KoreanWikiProject.com.