TTMIK antas 1 aralin 11

From Korean Wiki Project
Jump to: navigation, search


Sa araling ito, ating pagaaralan kung paano sabihin ang "Mayroon ka ba ...?" o "Mayroon ba ...?"
at "Bigyan mo nga ako..." o kaya'y "Gusto ko ng..."
Naaalala mo pa ba kung paano sabihin ang "Mayroon akong..." "Mayroon ka ..." o "Mayroong ..."


있어요 [i-sseo-yo] "Mayroon akong..." "Mayroon ka ..." o "Mayroon ..."


없어요 [eop-seo-yo] “Wala akong ...” “Wala kang ...” “Walang ...”


Mga Halimbawa


사과 [sa-gwa] = mansanas
사과 있어요 [sa-gwa i-sseo-yo] = Meron akong mansanas. Merong mansanas. Meron silang mansanas.
사과 없어요 [sa-gwa eop-seo-yo] = Wala akong mansanas. Walang mansanas.


오렌지 [o-ren-ji] = orange
오렌지 있어요 [o-ren-ji i-sseo-yo] = Meron akong orange. Merong orange.
오렌지 없어요 [o-ren-ji eop-seo-yo] = Wala akong orange. Walang orange.



Ngayon, kung nais mong itanong kung ang sinuman ay meron o wala ng isang bagay o ang anuman ay meron o wala;
Itaas lamang ang tono sa pabigkas sa hulian ng pangungusap at ito'y magiging tanong.


있어요? [i-sseo-yo] = Meron ka ba ...? Meron ba ...?


없어요? [eop-seo-yo] = Wala ka ba ...? Wala ba ...?



Mga Halimbawa


사과 있어요 [sa-gwa i-sseo-yo] = May mansanas ako. Merong mansanas.
사과 있어요? [sa-gwa i-sseo-yo] = May mansanas ka ba? Mayroon ka bang mga mansanas?
사과 없어요? [sa-gwa i-sseo-yo] = Wala ka bang mansanas? Walang mansanas?


Iba pang halimbawa gamit ang panggalan.


시간 [si-gan] = oras


시간 있어요? [si-gan i-sseo-yo?] = May oras ka ba?
시간 없어요? [si-gan eop-seo-yo?] = Wala kang oras?


커피 [keo-pi] = kape


커피 있어요? [keo-pi i-sseo-yo?] = May kape ka ba?
커피 없어요? [keo-pi eop-seo-yo?] = Wala ka bang kape? Wala kang kape?


Matapos nating malaman kung ang sinuman ay meron o wala ng isang bagay, maari na rin nating alamin kung
papaano humingi ng bagay na ito sa pamamagitan ng pagsabi, "Pakibigyan mo nga ako.." o kaya'y "Gusto ko ng.."


주세요 [ju-se-yo] = Pakibigyan mo nga ako


Ang 주세요 [ju-se-yo] ay nangmula sa pandiwang 주다 [ju-da] na ibig sabihi'y “bigyan”. Kaya ang 주세요 ay
nangangahulugang "pakibigyan" sa magalang/ pormal na wika.


Mga Halimbawa


A: 사과 있어요? [sa-gwa i-sseo-yo?] = May mansanas ka ba?
B: 네. 사과 있어요. [ne. sa-gwa i-sseo-yo] = Oo, meron kaming mansanas.
A: 사과 주세요. [sa-gwa ju-se-yo.] = Bigyan mo ako ng/mga mansanas.


** Bigyang pansin na walang pinagkaiba kung ang pangngalan ay nasa pang-isahan o pang-maramihan.


A: 커피 있어요? [keo-pi i-sseo-yo?] = May kape ka ba?
B: 아니요. 커피 없어요. [an-i-yo. keo-pi eop-seo-yo] = Wala kaming kape.


A: 우유 있어요? [u-yu i-sseo-yo?] = May gatas ka ba?
B: 네. 우유 있어요. [ne. u-yu i-sseo-yo.] = Oo, meron kaming gatas.
A: 우유 주세요. [u-yu ju-se-yo.] = Pakibigyan mo nga ako ng gatas.


Ang 주세요 [ju-se-yo] ay maaring gamitin sa ibat-ibang sitwasyon: kung nais mong ibigay ninuman ang isang bagay
sa iyo, kapag umo-order sa isang restawran, kapag gustong tignan ang isang bagay sa isang tindahan, at kapag
nais mong gawin ng isang tao ang isang bagay para sa iyo.


Iba pang halimbawa


아이스크림 주세요 [a-i-seu-keu-rim ju-se-yo] = Pakibigyan mo nga ako ng ice cream.
햄버거 주세요 [haem-beo-geo ju-se-yo] = Pakibigyan mo nga ako ng hamburger.
김치 주세요 [gim-chi ju-se-yo] = Pakibigyan mo nga ako ng kimchi.
불고기 주세요 [bul-go-gi ju-se-yo] = Pakibigyan mo nga ako ng bulgogi.
밥 주세요 [bap ju-se-yo] = Pakibigyan mo nga ako ng kanin. Pakibigyan mo nga ako ng pagkain.




TTMIK.png
This PDF is to be used along with the MP3 audio lesson available at TalkToMeInKorean.com. Please feel free to share TalkToMeInKorean’s free Korean lessons and PDF files with anybody who is studying Korean. If you have any questions or feedback, visit TalkToMeInKorean.com. This PDF translation project is a joint project between TalkToMeInKorean.com and KoreanWikiProject.com.