TTMIK antas 1 aralin 9
Sa araling ito, ating matututuhan ang tungkol sa "topic marking particles" at "subject marking
particles" ng wikang Korean. Karamihan ng mga wika ay walang "topic marking particles" at "subject
marking particles" kaya ang ganitong konsepto ay maaring bago. Sa kalaunan ay masasanay din ang
magaaral dito dahil malaki ang maitutulong na malaman ang mga ito.
"Topic marking particles"
은 [eun] / 는 [neun]
Ang pangunahing layunin ng "topic marking particles" ay upang ipaalam sa iyong kausap kung ano ang nais mong ipahiwatig sa iyong sinasabi o sasabihin. Ito ay inilalagay sa hulian ng salita.
Salitang nagtatapos sa katinig + -은
Salitang nagtatapos sa patinig + -는
Halimbawa:
가방 [ga-bang] + 은 [eun]
나 [na] + 는 [neun]
Ang paksa ng pangungusap ,salitang merong 은 [eun] o kaya'y 는 [neun] sa hulian; ay kadalasang simuno ng pangungusap.
저 [jeo] = Ako
저 + 는 [neun] = 저는 [jeo-neun] = para naman sa akin / (Ako ang nagsasalita) ako
저는 학생이에요. [jeo-neun hak-saeng-i-e-yo] = Ako ay mag-aaral.
Dito, ang salitang 저 (Ako) ang parehong paksa at simuno ng pangungusap.
Ang kaibahan ng wikang Korean ay makikita sa sumusunod na halimbawa.
내일은 저는 일해요. [nae-il-eun jeo-neun il-hae-yo]
= “As for tomorrow, I work.” (Lit. translation = Kinabukasan, magtatrabaho ako)
Dito, ang salitang 내일 [nae-il], bukas, na sinundan ng salitang 은 [eun, ang siyang paksa ng pangungusap.
"Subject marking particles"
이 [i] / 가 [ga]
Ang pangunahing layunin ng "subject marking particle" ay mas simple kumpara sa layunin ng "topic marking particle."
Salitang nagtatapos sa katinig + -이
Salitang nagtatapos sa patinig + -가
Halimbawa:
가방 [ga-bang] + 이 [i]
학교 [hak-gyo] + 가 [ga]
Ang topic marking particle (은/는) ay ginagamit upang ipahayag ang paksa ng pangungusap at ang subject marking partcle (이/가) naman para ipakita ang simuno ng pangungusap ngunit hindi lang yan.
Ano pa ang ibang gamit ng mga particles na 은/는/이/가?
(1) Bukod sa pagtukoy ng paksa, ang 은 [eun] at 는 [neun] ay nagagawa rin na baguhin ang kahulugan ng isang pangungusap.
(2) Bukod sa pagtukoy ng simuno, ang 이 [i] at 가 [ga] kapag ginamit sa isang complex na pangungusap ay may papel na huwag
bigyang diin ang simuno ng masyado.
Ating tignan ang mga halimbawa para sa (1)
이거 [i-geo] = ito / 사과 [sa-gwa] = mansanas / 예요 [ye-yo] = ay
이거 사과예요. [i-geo sa-gwa-ye-yo] = Ito ay mansanas.
Maaring isama ang 은/는 sa 이거. At sa ating halimbawa, ang simunong 이거 ay nagtatapos sa patinig, kaya
이거는 사과예요. [i-geo-NEUN sa-gwa-ye-yo]
= Ito ay mansanas (subalit ang iba ay hindi).
Maari kang makarinig ng ganito:
이거 커피예요. [i-geo keo-pi-ye-yo] (= Ito ay kape)
이거는 물이에요. [i-geo-NEUN mul-i-e-yo] (= Kape iyan pero ito'y tubig)
이거는 오렌지주스예요. [i-geo-NEUN o-ren-ji-ju-seu-ye-yo] (= At ito naman ay juice.)
이거는 뭐예요? [i-geo-NEUN mwo-ye-yo?] (= Ito naman? Ano naman ito?)
Mula sa mga halimbawang nabanggit, ang 은/는 ay ginagamit upang bigyang diin ang simuno ng pangungusap, "ito ay isang... at ito naman ay ... ". Kaya minsan, ang paggamit ng 은/는 sa pangaraw-araw na pangungsap ay hindi karaniwan.
Sa wikang Korean, bagaman ang 은 at 는 ay karaniwang ginagamit upang tukuyin ang paksa, malimit lang gamitin ang 은/는 upang bigyang diin ang paksa ng pangungusap mula sa iba pang bahagi ng pangungusap.
Halimbawa, kapag nais mong sabihin na "Maganda ang panahon ngayon." sa Korean, maari itong sabihin sa maraming
pamamaraan. (Huwag munang pansinin ang buong pangungusap. Pagmasdan lamang ang gamit ng 은/는.)
1) 오늘 날씨 좋네요. [o-neul nal-ssi jot-ne-yo]
Maganda ang panahon ngayon.
2) 오늘은 날씨 좋네요. [o-neul-EUN nal-ssi jot-ne-yo]
(Hindi maganda ang panahon ng nakalipas na araw ngunit ngayon ay maganda.)
3) 오늘 날씨는 좋네요. [o-neul nal-ssi-NEUN jot-ne-yo]
(Hindi man maganda ang araw na ito pero kahit papaano, maganda ang panahon.)
(Today, not necessarily everything else too, but at least the weather is good.)
Ganito kalaki ang epekto at kapakinabangan ng topic marking particles na (은/는) sa pagbago ng kahulugan sa mga pangungusap
sa wikang Korean!
Tignan natin ang mga halimbawa para sa (2).
좋아요 [jo-a-yo] = ito't mabuti / 뭐 [mwo] = ano / 이/가 [i/ga] = subject marking particles
Halimbawa, merong nagsabi ng “좋아요. [jo-a-yo]” na ang ibig sabihin ay "Mabuti ito" o "Gusto ko ito".
Ngunit hindi ka sigurado kung ANO ang mabuti, maari kang magtanong "Anong mabuti" o kaya'y "Ano'ng sinasabi mo?"
Upang itanong kung "Ano" ang mabuti, maaring sabihin ang:
뭐가 좋아요? [mwo-GA jo-a-yo?]
Dito, ang particle na 가 [ga] ang nagbibigay diin sa pandiwang 좋아요.
Kapag sinabing,
ABC 좋아요. [ABC jo-a-yo] = ABC ay mabuti.
At kapag ika'y salungat dahil sa iyong tingin na mas mabuti ang XYZ kaysa sa ABC, maaari mong sabihin:
ABC 좋아요? XYZ가 좋아요! [ABC jo-a-yo? XYZ-GA jo-a-yo]
Sa paggamit ng 이 at 가, naipapahiwatig ng nagsasalita sa wikang Korean kung sino ang gumawa ng isang bagay, kung ano ang
mainam, etc.
Ito na ba ang lahat?
Almost.
Mula sa mga nabanggit, ang 은/는 at 이/가 ay magkaiba ang gamit. Ngunit ang papel ng 은/는 sa paghahambing ay mas malaki
sapagkat maaring mabago ang paksa ng pangungusap sa pag-gamit ng 은/는. Sa pagbuo ng complex na pangungusap (i.e. Sa tingin
tingin ko ang librong iyong binili ay mas nakakawili sa aking librong nabili), ang paggamit ng 은/는 sa kabuuan ng
pangungusap ay madalang. Ang 은/는/이/가 ay kadalasang tinatanggal.Ngunit kung kailangang gumamit ng mga particle upang maging
mas malinaw ang pangungusap, ang 이/가 ay karaniwang ginagamit.
This PDF is to be used along with the MP3 audio lesson available at TalkToMeInKorean.com. Please feel free to share TalkToMeInKorean’s free Korean lessons and PDF files with anybody who is studying Korean. If you have any questions or feedback, visit TalkToMeInKorean.com. This PDF translation project is a joint project between TalkToMeInKorean.com and KoreanWikiProject.com.